DYORNALISTIK NA PAGSULAT

Here's an example of  journalistic essay I wrote last year as a project in our Filipino class. The names of the people written here is all made up by the author but is based on a true event. I post it here for the sole purpose of sharing others an idea on how a journalistic essay may look like. I know it's not the best but you may feel free to use it as a reference guide but please submit it not as your "own". Thank You!

Rape Suspek na Nakatakas sa Preso Huli

     Matapos ang mahigit isang taon na pagtatago, ang tong suspek sa pang-gagahasa ng kanyang pamangkin ay nahuli sa Brgy. Punta Princesa, Cebu City kahapon ng umaga ,Pebrero 25,2011. Ang suspek na si Allan Romaya ay nahuli ng pangkat ng kapulisan galing sa Investigation and Detection Management Branch (IDMB), na pinangunahan ni Chief Insp. Julio Ylaya. Bago nahuli ang suspek na si Romaya banda alas 10 ng umaga, napag-alaman na ng pangkat ng IDMB na sina PO2 Ronnel Quita at SPO1 Vincent Seroy ang tungkol sa kanyang pagtatago sa Sitio Manga noong lunes. Agad na binigyang alam ni PO2 Quita si Inspector Ylaya tungkol dito.
    Si Romaya ay kasalukuyang nakatira kasama ang kanyang mgapamangkin sa isang bahay na pagmamay-ari ng kanyang tiyo. Si Romaya na naka jersey shorts ay nag-iigib ng tubig sa isang puso malapit sa kanilang bahay nang mahuli at inaresto siya ng pangkat ni Insp. Ylaya. Ayon kay Quita, nailabas na sa kanila ang warrant para hulihin si Romaya matapos itong tumakas sa preso noong Disyembre 20 isang taon na ang nakakaraan.
      Isang magsasaka ng iba't-ibang halamang ugat si Romaya. Ayon sa kanya wala siyang balak na tumakas at kusa siyang pinalayani PO2 Mike Rodriquez matapos itong maawa sa kanya sa kadahilanang manganganak na ang kanyang asawa sa pangalawa nilang anak. Kasalukuyang ikinahaharap ni Romaya ang kasong rape sa Regional Trial Court Branch 26 na pinamumunuan ni Judge Eugenio Perz sa Sibonga, Cebu. Labis na itinatangga ng suspek ang krimen. Ayon pa sa kanya, siya ay biktima rin lang ng di makatarungang hustisya. Noong siya ay tumakas, umuwi agad siya sa kanyang bahay sa Sibonga. Matapos ang apat na buwan, namasukan siya bilang isang kargador sa Carcar at naging konstrukyon worker. Ang pagmamaneho din daw ng trisikad angpinagkukuanan niya ng pera upang isustento sa pamilya niya.
       Sa isang interbyu gamit ang telepono, nakausap namin si PO2 Rodriguez. Ayon sa kanya, naloko siya ni Romaya.Pinaniwala daw siya nito na meyron itong epilepsy. "Naawa ako sa kanya matapos ko siyang makita na nakahandusay sa sahig habang bumubula ang kanyang bibig", paliwanag ni PO2 Rodriguez. " Napag-alaman ko nalang na niloko lang pala niya ako nang sinabihan ako ng doktor na sumuri sa kanya na nasa mabuti siyang kalagayan." Sabi niya inihatid niya si Romaya palabas ng detention cell ng tatlong beses. Sinamahan niya ito patungo sa isang ospital upang maipagamot. Sa pangatlong beses, doon na tumakas ang suspek nang hindi niya namalayan nang nag-aasikaso siya ng isang papeles. Isang preso rin lang daw ang nagbigay alam sa kanya tungkol s pagtakas ni Romaya.
        Subalit sa isang imbestigasyong ginawa ng mga kapulisan, napag-alamang lasing si Rodriguez kaya hinayaan nitong makatakas si Romaya. Kinakaharap ngayon ni Rodriguez ang kasong administribo na ikinasa ng Regional Internal Affairs Service laban sa kanya. Natanggal siya sa serbisyo simula noong ika-Hulyo ng isang taon ngunit nag-file agad ng isang mosyon ang kanyang abogado. Kasalukuyan siyang idiniiin sa isang Police Station sa Argao nang walang sweldo at benepisyo hanggang ngayon. Kinasuhan rin siya ni Station Insp. Lemuel Rosario ng seryosong "negligence of duty". Binubuhay raw niya ng pamilya niy ngayon sa pamamagitan ng pagtitinda ng isda kasama ang kanyang asawa. Regalo nalang daw niya kay Romaya ang pagkhuli nito, sabi ni Rodriguez.


2011 All Rights Reserved. Unauthorized use, copy, editing, reproduction, publication, duplication and distribution without his explicit permission, is punishable by law. Subject to Philippine and International Copyright Conventions on Intellectual Property Rights***

Share this:

, , , ,

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.