Akademik na Pagsulat

Isang uri ng rebyung pampanitikan sa isang tula na isinulat ni Robert Frost na pinamagatang Fire and Ice.


Fire and Ice

   Ang tulang ito ay isinulat ni Robert Frost, isang popular na Amerikanong manunulat. Ang diwa ng tula ay nagpapakita sa 'tin kung ano ang posibleng katapusan ng ating mundo. Ito ay kung matatapos ba ito sa isang apoy (fire) o sa isang yelo (ice). Ang struktura ng tula ay binubuo ng isang siyam na stanza ng linya na pinasikip ng huling dalawang linya. Walang regular na pagkakasunod ang pagkahambing ng mga tunog nito. 
    Kung babasahin mo ang tula kailangang may malawak ka ng karanasan sa pagbabasa sapagkat ang tula ay sinasabing hango mula sa isang gawa ng literaturaa- ang Inferno ni Dante Aligheri. Kaswal ang tono ng tula na binabalot ng isang seryosong tanong para sa mga mambabasa. Si Frost ay gumagamit ng mga matatalinghagang pahayag at simbolisismo sa kanyang tula. Sa nasabing tula, makikita nating ang mga simbolo at sagisag na kanyang ginamit upang maipahayag ang kanyang mensahe.
      Ginamit ng may-akda ang apoy na kumakatawan sa mga hangarin at pagnanais ng tao na nakapagdudulot ng kapahamakan sa kanyang sarili at sa iba. Ito rin ay naihahalintulad sapagkat ang apoy ay may kakayahang lamunin at sirain ang lahat na kanyang nadadaraanan. Ang yelo naman ay sumasagisag sa galit at pagkamuhi na namumuhay sa puso ng tao. Ipinapakita ng tula na ang makasariling hangarin at galit ng tao ay parehong maghahatid sa kanya sa kapahamakan.
       Hindi literal na sinabi ni Frost na ang mundo ay mapupuno ng yelo kundi ang mga taong naninirahan rito ay maging kasing lamig na ng yelo kung saan ang mga tao ay wala ng pakialam at malasakit para sa kanilang kapwa.
       Sa paghahalintulad ni Frost sa dalawa, kinuha nito ang atensyon ng mga mambabasa at nang matulungan silang maintindihan ang nakapaloob na mensahe ng tula. Sa pamamagitan din ng mga simbolong kanyang ginagamit inihahalintulad ni Frost ang pagkakapareho ng kalikasan sa mga gawain ng tao. Ang natural na mga katangian ng apoy at yelo ay mahihinuha na tulad ng mga ito ay nakasisira din ang mga gawi ng tao. Dito itinuturo ni Frost na maging ang tao ay likas ding nakasisira. Makikita natin mula sa linya ng tula na ang may-akda ay sang-ayon na ang mundo ay matatapos sa apoy. Ito ay sapagkat nakikita niya marahil na sa paglipas ng panahon, parami ng parami ang mga taong nagiging sakim at malupit makuha lang ang mga makamundong bagay na kanilang ninanais. Maaring naranasan din ng may-akda ang maging nasa taas at kung gaano kahirap para sa isang tao na pakawalan ang kanyang mga pagnanais. 
         Bilang mambabasa masasabi kong ang tula ni Frost ay hindi lang basta naghahalintulad at nagkukumpara sa apoy at yelo, tinataglay din nito ang isang mahalagang isyu o mensahe na nais niyang iparating sa atin.Sinasabi ng tula na kung ang pag-ibig ay gagamitin sa maling paraan maari itong makapagdudulot ng pagkasira maging sa ating sarili. Sa kabilang banda, lagin tinitingnan ng mga tao ang galit bilang sanhi ng pagkasira kaya binigyan ni Frost ng negatibong parte ang pag-ibig-- na siyang pinapakita niya sa paghahalintulad niya nito sa apoy.
      Para sa may-akda, masasabi kong naniniwala siya na ang pag-ibig ay napakamakapangyarihan na nagagawa nitong alisin ang ibang elemento na maaring makasira sa mundo gaya ng pagtunaw ng apoy sa yelo. Layunin ng may-akda na balaan ang kanyang mga mambabasa tungkol sa makasisirang pwersa ng pagnanais at galit.
      Maraming paraan kung paano natin maiintindihan ang tula pero siguradong sa mga paraang ito, iniwan sa 'tin ng may-akda ang isang mahalagang leksyon na dapat nating isapuso at isaisip.


*2011 All Rights Reserved. Unauthorized use, copy, editing, reproduction, publication, duplication and distribution of the digital photos, without his explicit permission, is punishable by law. Subject to Philippine and International Copyright Conventions on Intellectual Property Rights**

Share this:

, , , , , ,

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.