I felt so glad to be able to read this eye-opening article. I found this one while scanning around Saab Magalona's blog archives. Yep, she's the daughter of the late Philippine Master Rapper Francis Magalona. I don't usually go around looking for any celebrities but Saab's different. Her blog is different. I just simply admire the way she writes and her posts. This is just one of those bravo post. haha watever.
This one's in tagalog so if you're not a Filipino (or you didn't know how to speak Tagalog) I doubt if you could understand the whole article. You might probably consider the idea of hiring a language translator or copy paste mo nalng sa google.chos! But believe me, this one's worth reading. This even got me thinking, what I wrote something out of this one too? Like ' Minsan May Isang Pakialamera' or ' Minsan May Isang Putang***' lol.jk
By the way, this one's written by Mike Portes and I just found out that there is a film adaptation of it entitled “Ganap na Babae” which opened in Cinemalaya last 2010. I haven't watch the film though.Soon.Soon.
*****
Minsan May Isang Puta
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit,
binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa
aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang
kinabukasan ko.
Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap
pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya
nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas
palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba.
Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang
ganoon.
Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.
Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya.
Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing
ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga
nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya,
nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko
makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi
siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak
ko.
Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at
ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang
ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan
mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!
Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami!
Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko
tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong
pinapatay.
Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko,
muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko.
Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa
payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin…
Sa amin! .
Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang
hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o
nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na
naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog
kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga
inutang namin.
Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang
problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim
sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang
buntot at umaamo kapag nangangailangan.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at
naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating
hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski
ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko.
Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang
mangyari.
Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda
ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak
ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe.
‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw
sa piling ko, maski amoy pusali ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin,
siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman
na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga
ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap
dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga
ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak
kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa
abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na
importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko
ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron
pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko
ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang
mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh,
namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain.
Tama man o mali.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.
Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami
naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa.
IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong
sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng
ganito ang mga anak ko?
Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong
maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap
sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno
nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang
inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila
ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng
buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang
pagmamalasakit.
Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa
akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila
mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga
pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita
at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga
titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.
Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko.
Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating.
Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin.
Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng
tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang
ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban
naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang
ang kailangan ko!”
Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito
eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap
kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
Pilipinas nga pala.
All credits goes to the writer. Bravo!