Filipino 3:Masining na Pagpapahayag
Our teacher in Filipino 3 class asked us to write a composition about ourselves by choosing an object which we think we compare ourselves. I choose Kawayan (Bamboo) for my composition and now I'm sharing it to YOU! Btw, our subject is Filipino so I wrote it in Tagalog.
Kung ihahambing ko ang aking sarili sa isang bagay, masasabi kong ako ay parang isang kawayan. Ito ay sa kadahilanang may mga katangian ang halamang ito na masasabi kong katulad ng sa akin. Kapag dumadaan ang bagyo ng problema at pagsubok, gaya ng kawayan ay nananatili akong matatag at ma matibay upang harapin ang mga ito.Sa pagdaan ng oras o kung saan man ako mapunta, tinuturuan ko ang aking sarili na makisama tulad ng mapupuna natin na kahit anong lakas ng hangin at ulan, ang kawayan ay hindi matinag dahil hinahayaan nito na hampasin siya ng hangin . Sa panahon ng tagumpay nananatili akong mapagkumbaba sa mga biyayang aking natanggap gaya ng pagyuko ng mga mahahabng kawayan habang nakaturo sa bughaw na kalangitan. Kagaya rin sa dami ng makukuha nating gamit mula sa kawayan, gusto kong maging produktibo at kapaki-pakinabang sa lahat ng pagkakataon. At tulad ng paglunas ng kawayan sa iba't-ibang sakit, nais ko ring maging lunas sa kahit na anong kahinaan maging sa kalungkutan man ng aking mga minamahal o sa mga sakit na magpa-hanggang ngayon ay nakakalat sa ating lipunan.
Sa huli dapat lahat tayo ay muling nakatatayo sa pagkakadapa tulad ng kawayan.
Sa tuwing haharap tayo sa salamin, iba-iba ang pagpapakilala natin sa taong ating nakikita. Ito ay dahil sa iba-iba ang pag-uunawa natin sa pagtuklas kung sino o ano ba talaga ang tunay nating pagkatao. Nagkakaiba tayo sa ating pag-uugali, paniniwala at maging sa ating mga pananaw sa buhay.
Sa huli dapat lahat tayo ay muling nakatatayo sa pagkakadapa tulad ng kawayan.